Monday, September 26, 2011

Timeline



I love my new facebook-timeline! :))))
I can set my labidabs kimpoy superman as my coverphoto! :")

Monday, August 29, 2011

Love You!


Sarap Mabuhay!

"Ang sarap ng may INSPIRATION! :)) Yung feeling na kahit hindi ka niya kilala OK LANG, kasi kahit sa mga simpleng pictures at mga post sa FB niya napapangiti ka na niya."
        Nakaka-tuwang isipin kasi sabi ng iba, "Mag-boyfriend/girlfriend ka para maging happy ka." Hindi naman talaga kaylangan na may boyfriend o may girlfriend ang isang tao para maging masaya, para magkaroon ng inspirasyon sa buhay. Minsan nga kahit hindi mo kilala yung tao, kahit hindi mo personal na naka-kasama, kahit nakikita mo lang siya sa mga pictures at videos niya sa internet pwede mong maging inspirasyon.

        Pero ano nga ba yung sina-sabi nating inspiration? Sabi sa dictionary, inspiration daw is the stimulation or arousal of the mind, feelings, etc, to special or unusual activity or creativity. Pero para sakin at sa iba sigurong katulad kong inspire, hindi ba yun yung kapag nakikita mo siya or yung picture lang niya kahit anong sama ng naging araw mo, na kahit sobrang down ka biglang guma-ganda yun? Yung kapag pagod at stressed-out kana sa school tapos maki-kita mo siya, mapapa-sabi ka sa sarili mo na, "Buo na araw ko, salamat sayo." Maalala mo lang yung naka-ngiti niyang mukha mapapa-ngiti kana din. Yung parang, sa tuwing may gina-gawa ka tapos naalala mo siya, mas gaganahan kang gawin yung kung ano mang gina-gawa mo. Mas pagbu-butihin mo na feeling mo naman nakikita niya yung gina-gawa mo at idine-dedicate mo sakanya yun. Yung tipong, dahil sa taong yun nagiging mas-maganda out-look mo sa buhay, kasi nga nai-inspire ka niya na kahit hindi man niya alam, basta alam mong nandiyan siya OK ka na. :))

Monday, August 8, 2011

Hottest time of the Day

"Baby your my man~~! Please believe me, I wanna be with you."
  "Can you feel my Heartbeat? .....for you? *cheesy!* haha!"


*Naaasiwa ako sa last blog ko. Tabunan ko muna, ng ka-machohan ng mga babies ko. Haha! :D

Pandang Bipo! Rawr!

IKAW NA SUSUNOD NA BLOG KO! RAWR!!!

HINDI NAKAKATUWA, NAKAKABWISIT.

Ako yung taong laging walang dalang pasensiya sa bulsa, mabilis akong mairita, mabilis mag-init ulo ko. Ayokong-ayoko kapag hindi ko gusto yung mga nangyayari sa paligid ko yung hindi nasusunod ang gusto ko, kapag wala sa lugar mga bagay-bagay, kapag ako nalang lagi nakikita, kapag pinapa-gawa ako ng mga bagay na ayokong gawin. Kapag sinabi kong ayoko ibig sabihin ayoko talaga, ayoko ng tina-tanong ako lalo na kapag naka-tahimik lang ako o kaya may ginagawang akong iba. Napaka short-tempered ko, at ngayong araw doble asar ko promise.

Ito isa kina-aasaran ko ngayong araw, pag-gising ko palang pagbaba ko ng kama nakita ko yung kapatid ko bagong ligo tapos yung pamangkin ko nasa sala naka-higa, sabi sakin ng kapatid ko bihisan ko na daw yung isa dahil male-late na  tapos may inuutos pa saking iba, tapos nakita ko yung isa kong pamangkin nagli-likot. Sa loob loob ko tengne naman sana inuna mo muna yung anak mo bago ka gumayak, bago yung sarili mo. Asar! Hanggang sa sa umalis na sila at bumalik ito, sobrang naiinis na talaga ko kasi wala sila mama dito sa bahay at ito namang kapatid ko ang daming demand. Tapos sumabay pa siyang maglaba edi syempre ako mag-babawal ng mga anak niya, tapos maya't-maya tinatawag pangalan ko parang gusto ko nalang mag-lock sa kwarto hahayaan ko silang mag-iina dito sa labas. Hindi na nga lang ako nagsa-salita kasi baka ano pang masabi ko mag-away pa kami mas lalong iingay dito sa bahay. Kaya lang lang sa sobrang inis ko ngayon parang gusto ko na maiyak. *hingang malilim, hingang malilim. SH*T!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!*

Tapos ito pa ang bwisit talaga, pagbukas ko ng computer kaninang umaga kung anu-anong kaartehan makikita ko! Anu ba?! Hindi ba titigil? Ilang beses ka bang pinanganak? hindi ba naintindihan? Ha?!  Alam mo ayoko sana na maging awkward kaya ayokong mag-salita e. Pero promise maka-isa ka pa, sorry pero hindi ko alam kung ano masasabi ko sayo. Hindi ko na nga lang pina-pansin pero panay ang arya mo, huwag mo na sanang dagdagan kasi hindi na ko natutuwa. Kasi baka kapag hindi ako nakapag-pigil e may masabi pa ako sayo at hindi mo talaga magugustuhan yun. Alam mo naman kung ano ugali ko, kapag gusto kong sabihin sasabihin ko talaga wala akong pakialam kung anong mararamdaman mo, basta ang sakin sinabi ko na yun, at sa tingin ko naging honest ako sa sarili ko. Sana huwag mo nang paabutin sa ganun na may masabi ako sayo, kasi unang-una sa lahat alam ko kaibigan kita kaya kahit papano malulungkot ako pag-nangyari yun. Kaya tengne*sorry po*tumugil ka na, utang na loob. Huwag mo kong pilitin kasi hindi na ko magda-dalawang isip na idaan na yun sa brutal na paraan.

Sa totoo lang, habang sinu-sulat ko tong blog na to naghi-himagsik ang damdamin ko sa sobrang inis. Kung may mahahawakan lang akong ibang bagay dito ibabato ko talaga. Ewan ko ba! siguro mali lang gising ko kaninang umaga kaya ganito ko, o kaya kulang pa ko sa tulog dahil napagod ako kahapon. Ito nga tingnan mo sobrang messy nitong blog na to, ibang kabwisitan talaga nararamdaman ko ngayon e. Alam ko naman mali itong ugali ko na to, na dapat maging understanding ako pero sorry hindi ko kaya sa ngayon sorry. 

(Kung tatanungin niyo ko kung sino yun isa na yun, wala akong sasabihin. Naka-zipped ang bibig ko, kahit magkaroon pa ng world war wala kayo makukuha.)

Friday, August 5, 2011

Tuesday, August 2, 2011

49Days: Scheduler

Last night, I've just finish watching the drama 49days and really! I've cried buckets of tears watching it, sobra akong na-attached dun sa mga characters especially dun sa story ni Scheduler and YiKyung tipong iyak-tawa ako sa scene nila kasi yung iba may putol, then ako naman WHAT THE F***! tapos iyak. Grabe! Kung makikita niyo lang ako habang pinapa-nuod yun, pagtatawanan niyo lang ako kasi singhot ako ng singhot. Their not totally yung bida sa story but I find their story more interesting, more touching, and most tragic than the other characters in the story. It's like every time their on the scene I'm starting to cry without me knowing it, I'm so affected and I don't know why.

For those who doesn't know what I'm ranting about here's the synopsis of the story. So basically, 49days is about a girl named Shin Jihyun who has a perfect life with friends and parents that adores and admires her. She's set to marry her fiance Kang Minho in just a few days. While Song YiKyung, a woman who is completely distraught over her life after her boyfriend died in an accident, and frequently contemplates suicide. She works the night shift at a convenient store, while sleeping in the afternoons. Then one day, YiKyung gets off a bus and tried to kill herself again but somebody pull her back to save her life. And at that moment JiHyun driving nearby, hits her breaks, but can't avoid the semi-trailer truck that has stopped in the middle of the road. Moments later, Ji-Hyun walks out of her car in a daze. She is shocked to see her body being carted into an ambulance. Then the only one who can see her is the man on the motorcycle and that man happens to be the scheduler an angel of sorts who awaits to take souls to their final destinations, like a grim reaper/angel of death.  The JiHyun is given a second chance at life by the Scheduler, but it comes with a condition: she has to find three people outside of her family who would cry genuine tears for her. In order to do this, she borrows the body of Yi Kyung, a part-time employee at a convenience store for 49 days. 

At ayun na nga, hindi talaga si Scheduler ang bida sa istorya but I liked his story more kaya medyo iku-kwento ko ngayon kung bakit, sana panuorin niyo din. It's not just beacuse he's good-looking kaya gusto ko yung istorya niya but it really brings alot of tears in my eyes every time may nalalaman siya about sa past niya. Naging Scheduler siya kasi he begged  the other Scheduler the one he calls "sunbae" na no matter what happens, bago siya umalis or pumunta na sa next world she needs to talk to someone and makita ito. So, the "sunbae" agreed pero may condition na he needs to be a Scheduler for five years for the "sunbae" to fulfill his wish but nung nag-start na siya maging Scheduler wala na siyang natatandaan about sa past niya. As the story goes naka-kasama niya si JiHyun na gamit ang katawan ni YiKyung and nung na-attached na si JiHyun kay YiKyung naawa siya dahil sa miserableng buhay nito at nalaman niyang dahil pala yun sa namatay yung kaisa-isang taong minahal niya at pinagka-tiwalaan five years ago. Nag-labas ng picture si YiKyung at nakita ni JiHyun yung name Song YiSoo, hinanap niya yun, nagnalak pa nga siyang huminga ng tulong kay scheduler para mahanap yun pero ayaw si Scheduler dahil hindi siya pwede maki-alam sa problema ng iba lalo na sa tao. 

Then at the end nalaman niyang ang hinahanap pala niyang YiSoo ay si Scheduler, nung unang sinabi niya kay Scheduler yun ayaw niya maniwala dahil malabo daw na mangyari yun saka hindi niya maalala ang past niya ang alam niya lang he needs to do something after his term as a Scheduler. After ng pangungulit ni Jihyun sakanya at pagpa-pakita ng pictures na patibay na siya nga yun, he starts to think and ask his self if he is really that. And one day, pinuntahan siya ni Jihyun na may dalang pictures na may kasamang babae, sabi niya baka yun yung dahilan kung bakit nagka-hiwakay sila ni YiKyung pero ang sabi niya hindi totoo yun, at nung may sinabi si Jihyun na katulad nung sinabi sakanya ni YiKyung dati biglang bumalik lahat ng memories niya at naalala na niya lahat ng nangyari, sobrang umiyak siya nung nakita niya sa harapan niya yun pinak-mamahal niyang babae na sobrang nawalan na ng ganang mabuhay sa mundo dahil wala na siya. Right then the drama begins, tears fell everytime nakikita niya si YiKyung kung pwede lang na mag-pakita na siya agad sakanya para sabihin sakanya lahat ng gusto niya sabihin gagawin niya, kayalang hindi niya magawa dahil hindi pa tapos 5 years niya as scheduler. I'll let you guys watch the drama para ma-feel niyo din nararamdaman ko, hindi ko na iku-kwento ng kumpleto.

Hindi ko alam kung ilang beses na ko pina-iyak ni scheduler, I really felt that she really loved Song Yikyung. He even said that she's the most precious person in his life, and she made his life worth living. He might even played before but Yikyung is like a hometown for him.  And not a single moment that he thinks of leaving her and that he really wants to marry her. At dahil nga galing sila sa orphanage siya ang tumayong Tatay, kuya, kaibigan at boyfriend kay Yikyung. He can't even barely had a sleep  kasi his  studies at morning and works at night para may pang bayad sila ng tuition ni Yikyung. He even prepares/cooks lunch for both of them. Sobrang naging mahirap buhay nila pero masaya sila at inaalagaan nila ang isat-isa, so tragic nga lang na ganun yung nangyari kay scheduler at hindi naging happy ending story nila.
If this guy happens to be a real scheduler, then this Scheduler/Angel of death would be the most hottest, good looking and the adorable angel of death ever! And like what he said once in the drama, "If everyone knows that he's the scheduler, many women would would choose to die just to see him, and guide them on the elevator". Indeed!
I can say that It's one of the Best Kdrama ever. Yung plots and sub-plots grabeh! its super nice talaga, saka yung pagkaka-develop ng bawat character sa story talaga naman walang naiiwan. Habang tumatagal yung story mas naiintindihan mo kung bakit ba naging ganun yung ugali nung isang character, kung bakit ganun naging yung tingin niya sa buhay at kung paano niya ito nabago or kung paano niya na-overcome yung kung ano mang obstacle na pinag-dadaanan niya.

Iba talaga yung story nito at saludo ko sa mga writers saka sa direator. It's not the typical story na napapanuod mong about a boy and girl na mahal ang isa't-isa, tapos mag-aaway, magkaka-hiwalay, conflict tapos after all the drama magkaka-balikan at happily ever after na. Hindi rin siya yung pa-sweet sweet, pa-tweetums, corny ng drama. Ito yung habang pinapanuod mo parang hindi mo na matigilan at gusto mo na malaman yung susunod na mangyayari, saludo din ako sa mga twist ng story na akala mo alam mo na yung next na mangyayari tapos magugulat ka na lang hindi pala yun, kaya lalo kang maku-curious at papanuodin mo talaga siya. And maganda din yung moral ng story kasi kapag natapos mo ng panuorin yung buong drama parang mare-realize mo kung gaano ka kaswerte kasi buhay ka pa, kung gaano ka kaswerte kasi naka-kasama mo araw-araw yung mga mahal mo sa buhay at kung gaano ka kaswerte dahil alam mong may nag-mamahal sayo at alam mong hindi ka nila iiwanan kahit anong mangyari.

Monday, July 25, 2011

Super Crush! Superman Kimpoy! :))

Ngayon palang mag papaumanhin na po ako dahil ang mga susunod po na mababasa niyo sa post na ito ay punong-puno ng pagma-mahal ko at ka-adikan ko kay kimpoy.  :))
Aaaaahhhhhhh!!! Kimpoy!!!! Superman! Baby!! Loves! Mahal!
* ay! sorry sorry! kinikilig lang po akooo!!* haha. Kasi naman eee! lantod!*
Paolo Vivas Kimpoy Feliciano, siya! siya na nga! siya ang ultimate crush ngayon, at pinaka-peyborits kong Paolo sa buhay ko. Isa siyang simpleng tao na naka-tira sa Malolos, Bulacan with the height of 5'11, na nag-migrate sa Dunedin, New Zealand para doon ipag-patuloy ang studies niya. At ang pagkaka-alam ko, una siyang naging tumblr hearthrob bago maging bagong youtube sensation. At dahil yun sa video niyang "Hi Miss" na talaga namang tinangkilik ng maraming chikas all over the youtube, tumblr, twitter at ngayon sa padami ng padami niyang fans sa Facebook. Galing noh, superman! :)

Marami na siyang chikas na pina-kilig, dahil sa mga sobrang cheesy naman talagang niyang banat na feeling mo, eh para sayo talaga kasi kung maka-tingin sa cam tumatagos at wagas! At ngayon, isa na nga ako dun sa maraming chikas na nagma-mahal sakanya. Una kong nakita yung video niya sa facebook. Shinare yata ni baks*Jhayson* yung link sa friend niya tapos na-curious ako kung ano yun, tapos ang title pa nung video "Hi Miss" sabe ko,
"Hmm.. Ano kaya to at parang kinikilig pa si baks ah? pero infairness parang gwapo si kuya ah. click ko nga!"
Ayun cli-nick ko na nga yung link at umpisa pa lang nag-salita si kuya at sinabing, "Hi Miss?" jusko! may I stop na ako ng video at nag-hyperventilate nako sa kinaka-upuan ko! *haha!* para bang nag-skipped ng beat ang heart ng lola niyo. Ang ngiti ko nun abo't tenga talaga nag-tataka nga yun kapatid ko eh kala niya naluluka na sisterette niya, siguro naka dagdag plus pogi points yung manly niyang boses at cute na face *oops! at ceramic braces* kaya kilig talaga. At isama mo pa yung makapal niyang kilay na love na love ko. Kung ire-rate nga lang siya, 9 out of 10 ang ibibigay ko. Bakit kamu 9? eh kasi hindi ko pa siya nakaka-daupang palad, let's see kung mas mamahalin ko pa siya pag-uwi niya dito at nakita ko siya in person. *haha!* Tapos ito,ewan ko ba! parang naalala ko sakanya yung isang crush kong si itago nalang natin sa pangalang Obet *hehe!* pero hindi naman sila magka-mukha. Siguro dun sa kaka-ibang sweet aura na taglay niya, parehas sila.
At ayun na nga, play ulit ako at ang unang banat niya sabe ni Mahal,
"Hi Miss, taga-FEU ka ba? sabi kasi ng puso ko tama-raw na ikaw ang mahal ko"
Tapos biglang smile! *killer smile!* sa loob-loob ko I was like, waaah!!! ay nako kuya! kahit taga-b.u ako, lilipat ako sa feu para lang sa sayo! *masyado!* tapos naka-ilang banat pa siya at wala na, naramdaman ko mahal ko na talaga siya. Anong gayuma't anting-anting ba ang meron siya? Nakuha ko sa mga ngiti at banat niyang banat na banat! havey kung havey pa! Pero ito, ang pinaka-peyborit kong banat nya dun na talaga namang nakuha kong hindi huminga ng 5 seconds! *oha!* eto habang naka-titig sa cam sabe,
"Miss, galing mo din nuh? hindi mo pa ko bina-bato, tinamaan na ko sayo". *tapos sabay kagat-labi! aahh!!*
Eto pa with matching serious face ansabe,
 "Miss, hindi ka ba nasasaktan? saksakan ka kasi ng ganda eh." *feeling naman ako! haha.*
Oh diba! Ansaabee! hindi ko alam kung ilang beses ko na napa-nuod yung video niya pero kini-kilig parin ako. Walang sawa! At halos lahat na nga yata ng account sa Fb ni kimpoy in-add ko na sa sobrang ka-adikan ko. Eh kasi naman! bakit ba kasi ganun siya? naka-kainis ang powers niya pa-kiligin mga madlang girls na tulad ko. Eh kung ganon ba naman makaka-sama mo everyday, why not?choc-nut! *haha!* Ipagpa-palit ko yaman ko, para lang kay Kimpoy! Parang siyang bagyo, lakas ng dating. :D

Bipolar Fam?!

Minsan.. ay hindi, kadalasan mas gusto ko pa na nasa labas o kaya nasa  kwarto nalang ako kesa nasa bahay ako. Alam mo kung bakit? paano kasi kapag nasa bahay ako, sumasakit ang ulo ko sa ingay nila MAMA, ni PAPA, ng mga KAPATID ko, tapos nag-sasabay pa sa kalikutan ang dalawang PAMANGKIN ko. Napapagod ang katawang lupa ko na dapat hindi naman dahil wala naman ako ginagawa sa bahay. Para kameng pamilyang puro bipolar! ang mood swings namin mag-anak iba! na kahit ako nga e naloloka din. Tawanan ng tawanan mamaya mag-aayaw, maya tawa nanaman, tapos bait-baitan epek, tapos mamaya sisigaw naman. Anu ba yun?! Kaya nga siguro ganito ko kasi ganun din sila sa bahay. *haha!*

Si Mama at si Papa, masasabi kong mabait naman sila. Pero grabe yun dalawa na yun bipolar siguro yun. Parang hindi matatapos ang araw na walang away, yung isa ayaw papa-talo, yung isa naman pilosopo. Kadalasan pinag-aawayan nila yung kita ng trak namin. Paano naman kasi itong si fathership kung maka-pamigay ng anda wagas! kala mo wala na kaming kaylangan bayaran na iba. Tapos ito namang si mothership ma-boka syempre pinagsa-sabihan si papa, eh yung isa naman pilosopo tasyong tunay kaya si mama lalong umiinit ang ulo, gagawin niya uulit-ulitin niya yung sinasabi nya hanggang sa mainis din yung isa. Tapos maya ok na sila ulit, asahan mo mga ilang minuto lang or hours mag-kasama nanaman sila, aalis nanaman yun tapos pag-balik kung anu-anong dala. Kaya nga minsan hina-hayaan ko nalang sila pag-ganun kase sumasakit ulo't tenga ko.

Si ate naman, kahit wala siya dito at nasa Japan siya hindi parin nagpa-pahuli. Pag nag-skype siya ang lagi niya lang kausap si janelle yung pamangkin ko, kung anu-ano pinag-uusapan nila na wala naman kwenta yung iba kase bata nga. Tapos minsan, ipapa-tawag niya si papa, pag-lumapit naman sa cam wala naman pala sasabihin. Minsan ang sungit din nun, may itatanong kalang sakanya, maga-galit na siya tapos sasabihin niya "ayoko ng tinatanung ako." *kadalasan ganun din ako kasi ayoko din ng tinatanung ako e, ewan ko ba! bipolar nga kse* Pero syempre mabait yun, ksi lagi niya inaalala sila papa, ska sila janelle tapos binibili niya ko ng mga gusto ko. *yun yon!haha!*

Ang kapatid ko naman, isa ding sira-ulo. Isipin mo mas nauuna pa bumagon anak niya kesa sakanya, pag papasok sa school si janelle mauna pa siya gumayak tapos si mothership ang magbibihis kay bagets. Anu ba yun?! *estudyante din?*
Hilig niya papa-iyakin yun anak niyang si jay-jay tapos pag-umiyak tuwang-tuwa naman siya patahanin. Ang cute daw kasi umiyak ng baby, luka talaga.
Nakiki-sabay din sakin yan sa ka-adikan ko sa Kpop, kung makapag-spazz sa kpop artist ganun-ganun nalang! parang dalagang tulad ko. At eto pa, wag ka! at nag-member pa ang lola sa isang fansclub. *na actually member din ako dun. haha!

At ito juice-me naman, nung bakasyon tumanda ata ako ng 5years at nagkaroon ako ng sungay kaka-bawal at kaka-sigaw sa dalawa kong pamangkin. Kung maki-kita niyo ko sa bahay para kong cd-tape na laging naka-replay e, lagi ko nga line dun..

"Ano ba?! hindi ba kayo titigil?! kanina pa binabawalan diba?! iligpit mo yang kalat mo sabe eh!!"
"Sabi ko tama diba?..bakit ayaw tumigil?..hindi ba ko nai-intindihan?
Sungit kong tita nuh? sorry sila *evil laugh*.

Si jay-jay kasi kahit 2years old palang ang kulit-kulit na, lagi niyang kina-kalat mga laruan nila, ako naman wala magagawa kaya pulot sige! *papa-galitan kase ko ni mama* pero yun kahit papano nasasaway ko pa. Kahit awayain ko yun, konting pa-cute bumigay nadin ako. Saka ang lambing kasi nung batang yun. Kaya minsan pag napapa-iyak ko utuin ko lang ng konti okay na kame, bati na ulit.

At si janelle, grabe hindi talaga kame mag-kasundo nung bagets nayun! Kapag nagka-lapit kame isa samen uma-aray. Hindi ko talaga kina-kaya kamalditahan niya, magaling din siya umaarte bubuwisitan ka tas mauna pa iiyak. Mortal enemy kame nun, minsan nga sa sobrang kulit niya parang gusto ko na siya itapon sa labas *haha!* pero huwag ka 4 years old palang siya. Manang-mana nga daw sakin sa ka-malditahan sabi ng kapatid ko, sabi ko naman e kaya siguro di kame magka-sundo.

Pero kahit bipolar sila * kame pala* proud akong family ko sila kaya naman loves na loves ko sila. Kahit na pinapa-sakit nila katawang lupa ko at naririndi na tenga ko kaka-sigaw ng mga pamangkin ko loves ko parin sila. Kahit na tumanda ako ilang years kaka-bawal at kaka-pakinig sa mga nobela ni mama, at mga walang sawang awayan nila ni papa eh loves na loves ko parin sila. Kahit na madalas ay maingay sa bahay, masaya naman kame at lagi kaming magka-kasama. Hindi ko sila pag-papalit kahit kanino kasi loves ko sila, kahit na nga bipolar yun mga yun.  :))

OMONA! LUMINDOL!

July 24, 2011. 1:30 am. Ako nalang ang gising sa bahay at habang naka-upo ako sa harap ng computer gumagawa ng blog at nagyu-youtube, nagtaka ako at napa-hawak sa aking dibdib ng biglang umalog yung computer sa harap ko. Sabi ko sa sarili ko,
Aya! Ano yun? may tumulak ba nung pc? Hala!
Hindi ako maka pag-salita kasi madaling araw na, bigla na akong kinabahan. Hindi ko alam ang nagyayari tapos mga kasama ko sa bahay ang himbing ng mga tulog. Tumingin ako sa paligid nakita kong gumagalaw yung mga gamit.
"OHMAYGAWD! Lumilindol na pala!"
Naka-kaloka! Akala ko minu-multo na ko kasi naman anong oras na gising pa ko, yun pala lumilindol na.  First time ko naka experience nun, at ayoko na maulit yun. May kalakasan siya at medyo nahilo talaga ko, nag-panic din ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko, kung gigisingin ko ba sila o hindi.

Tuwing lilindol dati, its either tulog ako or nasa byahe ako kaya hindi ko talaga siya nararamdaman. Sina-sabi nalang sakin ni Mama kina-umagahan na lumindol pala sabi ko nga,
"Sayang naman hindi ko manlang naramdaman, Wala akong kamalay-malay lumindol na pala. ano kaya feeling nun?"
At ayun na nga! na-feel ko na siya, hindi pala siya masaya. Natakot ako sa totoo lang at sana LORD! huwag na maulit. Saka naisip ko yung mga nangyaring lindol noong mga nakakaraan kaya kinabahan talaga ko. Sabi sa news magnitude 5.1 daw yung lakas nung lindol nung gabi na yun, pasalamat nalang ako dahil hindi siya nag-tagal.

Hindi ba, kaya daw nagkakaroon ng lindol dahil may gumagalaw na tectonic plates sa ilalim ng lupa? O kaya kung may malapit na bulkan sa lugar niyo eh malamang may tendency sumabog? Saka hindi natin alam kung kailan ito mangyayari o saan mangyayari kaya dapat lagi tayong handa at alerto kung sakali mang maulit pa ulit ito.


Tuesday, July 19, 2011

Pal-gan Mori !

Add caption









I really love this red haired beast!

JUNHO YAMI! haha!


*In their fansign at Incheon, South Korea a fan from a fancam shout to him and said*

Hey! red hair! Do you want to date me? XD haha.


Ako like ko din sya i-date.

O T T O K E ! O.o

Ano kaya magandang topic next blog?? Anuber!

First brag is about friends, hmmm.. how about next family? Watchutink?

Eh about my undying-crush for Paolo Vivas Feliciano kaya? HAHA! *actually kelan ko lang siya naging kras. haha!*

Uhm. bout sa "obsessiveness" ko sa 2pm? PUTYRHENSUP! :DD

KPOP?

RAWR! haha.




 

Friday, July 15, 2011

Hands Up (East4A Remix)


Everyone put your Hands up! and get your drinks up! :))










Mighty fine creatures! XDD

Thursday, July 14, 2011

Friends

After a week, I have decided that "I want to minute to brag" is going to be my topic here. In this blog I'm free to brag everything and anything I want under the sun. And every post that I'll be writing on this blog was supposed or assumed to be just purely bragging. :)
For my first post, I will talk about my beloved friends. I want to brag about how cool and fun they are to be with. For me, their not the typical friends that you can ever had because each of them has their own unique personalities.
One is smart that sometimes she doesn't even need to study to pass her exams but if you would saw her you wouldn't think that she's like that.
Second one is like a clown and he is the mood maker of the group, he's always loud and goofy.
The third is a sophisticated/sweet girl that loves to smile but don't you dare make her mad because you will not definitely going to like it.
Fourth one has this bold*strong* attitude with her, in the sense that if someone was bothering her friend she would also get pissed with that person.
The fifth one is like, how would I say this? some says he/she is a sweet guy probably because of her smile and gestures, but to me he's like a punching bag. I always bother him and we bicker a lot too but I love him I really do.
Then next one he's kind the point that he's like the maid of the group because we always ask him to do this and that, get this and that, at first he'll say he's not going to do it but at the end he would.
The last one is like ms.congeniality, she greets people very well and can get close to other people easily.
We have different personalities but somehow we connect to each other and that connection brought us together to be best of friends. Every time that we are together we are just like just bunch of crazy kids, always laughing, teasing and making fun of each other. Even if you locked us in a room for a day we could definitely can survive it, BUT please, be sure to give lots of foods because we really love to eat and its our past time actually. But like any other groups, if there are good times there are bad times, sometimes we would have arguments and misunderstandings but we make sure that we would overtake it the end of the day. And I think that misunderstandings can help us be more mature and be strong as a group. So I really treasure them so much I want them to know that I'm very proud to say that they are my FRIENDS.

Minesweeper *with latay version*

Dahil nga kanina na sobrang haba ng vacant namin, tamad na tamad na kami at gusto nalang namin matulog.(pumasok kasi kami ng 9:00 sa buong akala namin na may klase kame kay mam at pagdating dun e wala pala. T.T tapos 3:30 pa next class)napagka-tuwaan namin mag-laro ng minesweeper, Oo simple laro lang yun pero dahil nga kame ang naglalaro na mga sira-ulo *haha!* eh syempre nilagyan namin ng twist ang laro. Nung una dapat pitikan lang, pero ako naman si adik may i suggest naman ako ng punishment na kung sino talo dapat latayan*latayan talaga? haha.* sa braso, para nga naman thrill at kabahan kang matalo. haha!

At nag-umpisa na nga kame, ako si dora, melvin at miyo. Unang biktima si dora, isang palo palang bakat na mga daliri namin sa braso niya. Habang tumatagal lalo kame ginanahan habang tumatagal din eh palakas ng palakas ang palo at pahapdi ng pahapdi ang braso mo, kahit nasa harap kami ng registrar wapakels lang sa tawanan namin. Tinuloy-tuloy namin ang laro hanggang sa mag-muka ng langgonisa mga braso namin, napuknat lang latayan nung 3:30 na at need na namin pumunta sa marketing office. Pambihira mga itsura ng mga braso namin parang langgonisa na pwede na iprito. haha!

Wednesday, July 13, 2011

Its 12:42!

Done with all the assignments,actually kanina pa :D my brain is soo damn tired *used*! rawr! nagamit ko na ata kalahati nito at hindi ko na siya mabebenta ng mahal. *sad* bukas na ko mag-post para sa P.R OHMAYGAWD!

Sleepy na kame ni
uyong :D

kaya eto sleep na ko at maaga pa bukas.
ANNYEONG! BYE!