Ako yung taong laging walang dalang pasensiya sa bulsa, mabilis akong mairita, mabilis mag-init ulo ko. Ayokong-ayoko kapag hindi ko gusto yung mga nangyayari sa paligid ko yung hindi nasusunod ang gusto ko, kapag wala sa lugar mga bagay-bagay, kapag ako nalang lagi nakikita, kapag pinapa-gawa ako ng mga bagay na ayokong gawin. Kapag sinabi kong ayoko ibig sabihin ayoko talaga, ayoko ng tina-tanong ako lalo na kapag naka-tahimik lang ako o kaya may ginagawang akong iba. Napaka short-tempered ko, at ngayong araw doble asar ko promise.
Ito isa kina-aasaran ko ngayong araw, pag-gising ko palang pagbaba ko ng kama nakita ko yung kapatid ko bagong ligo tapos yung pamangkin ko nasa sala naka-higa, sabi sakin ng kapatid ko bihisan ko na daw yung isa dahil male-late na tapos may inuutos pa saking iba, tapos nakita ko yung isa kong pamangkin nagli-likot. Sa loob loob ko tengne naman sana inuna mo muna yung anak mo bago ka gumayak, bago yung sarili mo. Asar! Hanggang sa sa umalis na sila at bumalik ito, sobrang naiinis na talaga ko kasi wala sila mama dito sa bahay at ito namang kapatid ko ang daming demand. Tapos sumabay pa siyang maglaba edi syempre ako mag-babawal ng mga anak niya, tapos maya't-maya tinatawag pangalan ko parang gusto ko nalang mag-lock sa kwarto hahayaan ko silang mag-iina dito sa labas. Hindi na nga lang ako nagsa-salita kasi baka ano pang masabi ko mag-away pa kami mas lalong iingay dito sa bahay. Kaya lang lang sa sobrang inis ko ngayon parang gusto ko na maiyak. *hingang malilim, hingang malilim. SH*T!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!*
Tapos ito pa ang bwisit talaga, pagbukas ko ng computer kaninang umaga kung anu-anong kaartehan makikita ko! Anu ba?! Hindi ba titigil? Ilang beses ka bang pinanganak? hindi ba naintindihan? Ha?! Alam mo ayoko sana na maging awkward kaya ayokong mag-salita e. Pero promise maka-isa ka pa, sorry pero hindi ko alam kung ano masasabi ko sayo. Hindi ko na nga lang pina-pansin pero panay ang arya mo, huwag mo na sanang dagdagan kasi hindi na ko natutuwa. Kasi baka kapag hindi ako nakapag-pigil e may masabi pa ako sayo at hindi mo talaga magugustuhan yun. Alam mo naman kung ano ugali ko, kapag gusto kong sabihin sasabihin ko talaga wala akong pakialam kung anong mararamdaman mo, basta ang sakin sinabi ko na yun, at sa tingin ko naging honest ako sa sarili ko. Sana huwag mo nang paabutin sa ganun na may masabi ako sayo, kasi unang-una sa lahat alam ko kaibigan kita kaya kahit papano malulungkot ako pag-nangyari yun. Kaya tengne*sorry po*tumugil ka na, utang na loob. Huwag mo kong pilitin kasi hindi na ko magda-dalawang isip na idaan na yun sa brutal na paraan.
Sa totoo lang, habang sinu-sulat ko tong blog na to naghi-himagsik ang damdamin ko sa sobrang inis. Kung may mahahawakan lang akong ibang bagay dito ibabato ko talaga. Ewan ko ba! siguro mali lang gising ko kaninang umaga kaya ganito ko, o kaya kulang pa ko sa tulog dahil napagod ako kahapon. Ito nga tingnan mo sobrang messy nitong blog na to, ibang kabwisitan talaga nararamdaman ko ngayon e. Alam ko naman mali itong ugali ko na to, na dapat maging understanding ako pero sorry hindi ko kaya sa ngayon sorry.
(Kung tatanungin niyo ko kung sino yun isa na yun, wala akong sasabihin. Naka-zipped ang bibig ko, kahit magkaroon pa ng world war wala kayo makukuha.)
(Kung tatanungin niyo ko kung sino yun isa na yun, wala akong sasabihin. Naka-zipped ang bibig ko, kahit magkaroon pa ng world war wala kayo makukuha.)
No comments:
Post a Comment